Maituturing na maliit lamang na halaga ang mga naitatalang rollback sa produktong petrolyo.

Ito ang naging reaksyon ng grupong PISTON sa anunsyo ng ilang oil copmpanies na panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo kung saanposibleng bumaba sa P1.70 hanggang P1.90 sa kada litro ng diesel habang ang presyo ng gasolina ay maaaring mabawasan ng P4.70 hanggang P4.90 kada litro.

Ayon kay Mody Floranda ang siyang National President ng naturang grupo na bagaman isang magandang balita ang naturang pagbawas sa presyo ng langis, malayo pa ito kung ihahambing sa naging malakihang pagtaas ng presyo ng langis noong Enero na umabot sa halos P50 per litre sa diesel habang P49 naman sa kada litro ng gasolina at kerosene.

--Ads--

Kadududa duda din aniya ang naitatalang roolback lalo na dahil ang pahayag ng Department of Energy na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng mga pagtaas sa presyo ng naturang produkto.

TINIG NI MODY FLORANDA

Sa kabilang banda ay ipinagpapasalamat naman nito na na mayroong naitatalang pagbaba dahil makakatulong ito sa hanay ng mga draybers dahil may maidaragdag na kitang aabot sa P300 na maiuuuwi sa kanilang pamilya.