Umaaray na rin ang mga nagbebenta ng itlog dito sa lungsod ng Dagupan dahil sa pagtaas na rin ng presyo nito sa kanilang mga supplier.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bal Dela Cruz-isang egg vendor dito sa lungsod ng Dagupan , mas maliit na ang kanilang kinikita dahil tumaas na rin ang presyo nito sa kanilang pinagkukunan kung saan nasa 6 na piso na ang halaga ng pinakamaliit na size ng itlog ngayon.
Nagrereklamo na rin ang kanilang mga suki dahil nagmahal na ang presyo ng benta nilang produkto ngunit wala silang magagawa.
--Ads--
Sa kabila naman nito, inihayag naman ni Dela Cruz na marami pa rin ang bumibili ng itlog lalo na ang mga may kantina, restaurant , bakery at nagbebenta ng lugaw.