Unti-unti nang nabibigyan ng sapat na pagkilala ang mga Pinoy healthcare workers na nagsisilbi sa labas ng bansang Pilipinas.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Generoso Alcantara mula sa United Kingdom na noong nagsimula ang Covid-19 pandemic ay mas nakita ang malaking gampanin ng bawat Filipino healthworkers.

Kaya naman hindi na rin aniya makukuwestiyon ang dahilan kung bakit isang Pinay nurse ang ginawaran ng prestihiyosong George Cross award sa United Kingdom.

--Ads--

Aniya na ang kaibigan niyang si May Parsons ay binigyan ng parangal bilang kinatawan ng National Health Service, ang healthcare service ng UK na siya ring kauna-unahang nagturok ng COVID-19 vaccine sa buong mundo.

Sina Queen Elizabeth II at Prince Charles ang gagawad kay Parsons ng naturang parangal sa Windsor Castle

TINIG NI GENEROSO ALCANTARA

Kung kaya naman ay ikinagagalak ng buong Filipino community sa kanilang lugar na ilang mga malalaking personalidad ang nagpapasalamat sa sipag at katapangang ipinamamalas ng mga Pilipino para lang masiguro na ligtas ang publiko laban sa pandemya.

Dagdag nito na malaking ang nagiging sakripisyo ng naturang hanay kung saan umabot sa halos walumpo ang mga filipino nurses na nasawi noong kasagsagan ng pandemya.