Muling lumapit sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan ang isang Overseas Filipino Workers na nananatili sa Saudi Arabia na ito ay makauwi na sa bansang Pilipinas dahil sa pang-aabusong kaniyang nararanasan.

Sa pahayag ni Karen Daniel Dollante, isang domestic helper sa Hafar al-Batin, at tubong Nueva Ecija na sa ngayon ay wala pa itong natatanggap na balita mula sa pamunuan patungkol sa pag-uwi nito sa bansa.

Ayon sa dalawamput limang taong gulang na Pinay na sa ngayon ay nanatili ito sa kaniyang agency at hindi niya alam na kung ano ang mga susunod na hakbang nito para lamang makaalis sa Saudi.

--Ads--

Kinuha rin aniya ang cellphone nito na sana’y maipapakitang ebidensya sa umano’y pangaabuso ng kaniyang amo.

Idiniin rin nito dahil sa pagiging “over-worked” nito ay sunod sunod na ang mga karamdamang nararanasan nito.