Maituturing na mabibigat at maganda ang resulta ng mga nagawa ni outgoing president Rodrigo Duterte.
Ito ang pananaw ng political analyst na siDr. Froilan Calilung kaugnay sa nalalapit na pagbaba sa puwesto.
Ayon kay Calilung medyo kulang nga naman ang panahon ni Duterte dahil marami pa sana siyang gustong gawin o maisakatupaan pero kulang ang anim na taon niya/
Inihalimbawa ni Calilung ang mga nalagdaang mga bagong batas tulad ng universal healthcare law, free tertiary education, pagtatayo ng Malasakit center, Build buil build program at marami pang iba.
Isa umano sa pinakamahalagang aspeto ng mga nagawa ni Duterte ay ang pagsugpo sa kriminalidad at war on drugs na umani ng mga kritisismo.
Inilarawan din niya ang kalakasan at kahinaan ni Duterte.
Sinabi ni Calilung, na kung ang pag uusapan ang strength o kalakasan ni PRRD, sinabi niya na siya lamang ang naging pangulo ng bansa na may tapang na harapin ang mga sindikato at corrupt sa lipunan at sa kanyang pamahalaan.
Samantala, kahinaan naman ni PRRD ayon kay Calilung ay sa panahon ng pandemya.
Aniya kung hindi lang dumaan sa pandemya ang Pilipinas sa panahon ni Duterte ay naging maganda na rin sana ang galaw ng ating ekonomiya dahil isa ang bansa sa best performing economies sa buong Asia pero dahil sa pandemya ay natigil ang mga proyekto o magandang nasimulan ni Duterte.
Malaking savings umano ng pamahalaan ay napunta sa pagkakaloob ng subsidy o ayuda sa mga apektadong mamamayan.