Sa loob ng halos pitong dekada, pinakamalalalang pagbagsak ng ekonomiya sa bansang Sri Lanka patuloy na nararanasan.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Priscilla Wijesooriya na sa kasalukuyan ay mas lalo pang umiigting ang kahirapan dahil sa kakulangan ng sapat na pera ng kanilang bansa.
Aniya na base sa mga pahayag ng ilang mga eksperto na kung magpapatuloy ang problema nila sa produktong petrolyo ay maaaring umabot ng labindlawang oras ang pagtigil ng kuryente na magiging malaking factor para sa mas malawakang protesta.
Dagdag rin nito na ilang mga opisyal na ang nagsaad na ang Sri Lanka ay kinakailangan na ang tulong mula sa iba’t ibang mga bansa.
Nagiging talamak na rin umano ang mga nakawan kaya dahil sa pagtaas na rin ng mga presyo ng pangunahing bilihin.
Sa kasalukuyan ay panalangin na lamang aniya ang kanilang ginagawa na sana’y tuluyan nang matapos ang krisis na kinakaharap ng kanilang bansa.