Umaasa ang National Confederation of Transport Workers Union na matutugunan na ang problema ng transport sector sa pagkakatalaga ni dating Philippine Airlines president Jaime Bautista para pamunuan ang Department of Transportation o DOTr.
Ayon kay Jaime Aguilar – Secretary General, National Confederation of Transportworkers Union, nagpapasalamat siya na napalitan na si Transportation Secretary Arthur Tugade.
Naniniwala si Aguilar na malaking hamon ang haharapin ni Bautista sa DOTr kaya bibigyan nila ng pagkakataon ang bagong kalihim para pamunuan ang ahensya.
Sinabi ni Aguilar na hindi tutulad si Bautista kay Tugade na tinulugan lamang ang mga problema o hinaing ng transport sector.
Panawagan niya sa bagong kalihim na aitulak ang stimulus package para sa problema sa krisis sa transportasyon.
Kailangan umanong masolusyunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin dahil malaki na ang epekto nito sa bansa hindi lamang sa hanay ng transport, maging sa mga manggagawa na pumapasok at sumasakay araw araw.