Pinag-aaralang maipatupad sa lalawigan ng Pangasinan ang “schedulling” sa pamamasada ng mga pampulikong sasakyan bunsod na rin ng tumitinding epekto sa transport sektor ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO-Pangasinan, dahil sa halos lingguhang pagtaas sa presyo sa produktong petrolyo ay wala nang kinikita lalo na ang mga drivers kayat maari aniyang ipatupad na ang pag schedule sa pamamasada tulad ng ginagawa sa bayan ng Mangaldan.

Hiling din nito na sana’y makakuha ang lahat ng mga namamasada ng service contracting .

--Ads--

Nagpapasalamat nman ito sa Bombo Radyo Dagupan sa pagpapaabot ng kanilang hinaing sa gobyerno lalot malaki na ang epekto sa kanilang pamumuhay ang nangyayaring taas presyo sa produktong petrolyo na halos linggo-linggo nang ipinapatupad.