Bumaba ng halos 81% ang kaso ng Dengue sa buong Rehiyon Uno ayon sa tala ng ahensya ng kalusugan.

Pagsasaad ni Dr. Rheuel Bobis ang siyang Medical Officer ng DOH-CHD 1 na sa kanilang pinakahuling datos , na simula noong Enero hanggang Hunyo a-7 ng taong kasalukuyan ay aabot sa 619 katao ang nadiagnose ng naturang sakit.

Sa naturang bilang tatlo umano ang namatay na mga residente ng Pangasinan, Dagupan City at La Union.

--Ads--

Aniya na bagaman mababa ang kanilang naitatalang kaso ay nakatutok pa rin umano ang kanilang hanay sa pagbabantay sa mga kaso nito lalo na’t inaasahang sa mga susunod na buwan ay mas prone pa ang bansa mula sa naturang sakit.

Samantala nakitaan din ng pagbaba ng mga kaso ng sakit na leptosospirosis na talamak tuwing panahon ng tag-ulan.

Aniya na sa kanilang huling datos ay aabot sa 42% ang pagbaba ng kaso ng naturang sakit kaya naman paalala nito sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha gayundin ang pagpapanatili ng malusog na panagagatawan para malabanan ang sakit na leptospirosis.