Inilarawan ni Joel Tungal Bombo International Correspondent o BINC Afghanistan na mahina ang pundasyon ng mga bahay sa lugar na tinamaan ng 6.1 magnitude sa Eastern Afghanistan.
Ayon kay Tungal, gawa sa lupa at bricks ang mga itinayong bahay doon kaya inaasahan na guguho talaga kapag nagkaroon ng lindol.
Saad ni Tungal, kasalukuyan siyang nasa Jalalabad nang maganap ang lindol.
Pero ang grabe umanong tinamaan ay ang lalawigan ng Paktika.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation kung saan ang mga biktima ay agad nang dinala sa ospital sa Kabul.
Inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan dahil maraming nasirang mga kabahayan.
Samantala, hiniling ng Taliban sa UN na magpadala ng tulong na mga pagkain at ibang pangangailangan ng mga apektadong mamamayan