Wala nang mababalikan pa ang dalawang pamilya matapos na tupukin ng naglalagablab na apoy ang kanilang mga tirahan sa Barangay Bonuan sa lungsod ng Dagupan .

Sa insiyal na imbestigasyon, pasado alas dos ng hapon ng naitala ang sunog sa may bahagi ng Sitio Las Vegas sa nabanggit na barangay kung saan dalawang magkatabing bahay ang tinupok ng apoy.

Palaisipan din sa ngayon kay Nanay Gloria Cornel kung papaaano sila makapagsisimulang muli dahil sa wala silang mga naisalbang anumang gamit matapos masunog ang kanilang tirahan.

--Ads--
TINIG NI GLORIA CORNEL

Aniya na naging abo na lamang ang kanilang tindahan na kanilang pinagkukuhanan ng pangkabuhayan maging ang kanilang tricycle ay hindi na rin aniya magagamit.

Nagluluksa naman ngayon ang kapitbahay nilang si Aurora Aquino na bagaman hindi sila nadamay sa sunog ay nananakwan naman ito dahil sa naging komosyon ng insidente.

TINIG NI AURORA AQUINO

Ayon sa Bureau of Fire Protection Dagupan, na hindi naging madali apulahin ang apoy dahil na rin sa lokasyon ng mga bahay kung saan ay pahirapan ang pagpasok ng kanilang mga fire trucks.

Pasado alas tres ng haponn naman ng naideklarang fire out ang naturang insidente na umabot sa 15-20 minuto bago tuluyang naapula ang apoy.

Tinitingnan namang anggulo ng sunog ay ang mga kawad ng kuryente na nakabit s amga poste maging ang mga electrical appliances na nasa loob ng mga naturang bahay.

Walang namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsala nito.