Marami ng driber ng mga pampublikong sasakyan ang tumigil sa pagbiyahe dahil sa taas ng presyo ng langis – National Confederation of Transport Workers Union

Pahirap ng pahirap ang situwasyon ng mga drayber sa patuloy na pagtaas na presyo ng krudo.

Ayon kay Jaime Aguilar, secretary general ng National Confederation of Transport Workers Union, marami na ang tumigil sa pagbiyahe kaya nagkakaroon ng kakulangan ngayon ng mga masasakyan sa ilang lugar sa bansa at dagdag pasakit din sa mga mangagawa na sumasakay araw araw.

--Ads--

Malaki umano ang nawalang kita ng mga driber dahil sa lingguhang taas presyo.

Kung dati ay isang libo ang kinikita nila buong araw ngayon ay nasa 300 na lang.

Sinabi pa ni Aguilar na ang iba na kaya pang magtiis ay silang nagtitiyagang bumiyahe habang ang iba ay umuuwi na agad kapag may kaunting kita.