Isang graduating student mula Alaminos City National High School ang nakatanggap ng pitong International College Admission at limang scholarship abroad na nagkakahalaga ng mahigit kumulang na apat na milyong Piso.

Kinilala ito na si Hannah Ragudos, 18-anyos at graduating student mula sa Alaminos City National High School Senior High School.

Ayon kay Hannah sapanayam ng Bombo Radyo Dagupan, matagal niya ng pangarap ang makapag-aral sa ibang bansa at maipagpatuloy ang kaniyang nasimulang karera sa larangan ng pelikula. Kaya naman noong nakalipas na taon nang makita niya sa isang post tungkol sa mga Filipino na nakapasa sa international admission ay nag apply siya at inihanda ang mga documents sa tulong ng kanyang mga guro.

--Ads--

Matatandaan na si Hannah ay kabilang sa ACNHS Layag Productions at isa sa mga pinakabatang Film Ambassador ng Film Development Council of the Philippines na dumalo sa ika-anim na Film Ambassador’s Night ngayong taon, kasama ang mga batikang aktor at filmmaker sa buong bansa na ginanap sa Manila Metropolitan Theatre.

Sa ngayon, nais raw muna niyang mag-aral sa Pilipinas at kumuha ng kursong BS Computer Science sa Saint Louis University at kung muling papalarin, ay nais niya muling ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa bilang filmmaker.