Aasahan pa rin umano ang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa lalawigan ng Pangasinan .
Paliwanag ni Jose Estrada Jr, ng PAG ASA Dagupan ang nagdudulot nito ay ang Lokal na mga pagkidlat-pagkulog o localized thunderstorm
sa bandang hapon .
Sinabi ni Estrada na walang low pressure o nabubuong bagyo sa bansa pero ang nagpapalakas ng localized thunderstorm ay ang tinatawag na Ridge ng High Pressure Area na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon.
Paliwanag din niya na pag minsan ay maalinsangan ang panahon bandang ala-9 ng umaga hangang alas dos ng hapon dahil dito namumuo ang pulo pulong ulap.
Payo niya sa publiko na kapag may mga pagkidlat ay hanggat maari ay iwasan na lumabas bahay sa open space o huwag pumunta sa mga matataas na puno dahil ito ang karaniwang tinatamaan ng kidlat.
Alisin aniya sa saksakan ang mga nakasaksak na appliances at huwag gumamit ng cellphone kapag malakas ang kidlat dahil maaaring tamaan at pagmulan ng sunog.
Dagdag pa niya na makakaranas lang tayo ng maraming ulan kapag tumama ang southwest monsoon o habagat.