Magpapatupad ang Dagupan Electric Cooperative o DECORP ng increase sa generation rate sa electric bill ng kanilang mga customers ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon Atty. Randy Castilan, legal officer ng DECORP, ang dagdag na generation rate sa electric bill ay dahil sa walang tigil na pagtaas ng fuel prices.

Sinabi ni Castilan, kumpara sa nakalipas na buwan ay mababa ang generation charge pero dahil sa tuloy tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong langis sa world market na nakaapekto sa pagdadala ng coal napapunta sa Pilipinas kaya tumaas ang generation cost o pagproduce ng power.

--Ads--

Paliwanag niya na ang computed cost ng generation ay ipapasa sa kanila at kanila ring ipapasa sa mga kustomer.

May domino effect aniya ang pagtaas sa presyo ng langis dahil kasunod nito ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Umaasa naman si Castilan na matutugunan ng administrasyon ang nasabing problema.

Samantala, inihayag ni Castilan na ultimo remedyo nila ay hindi sila nangongontrata ng iisang supplier kundi kumukuha sila sa ibat ibang sources para mapababa ang presyo at bababa ang generation rate.