Napiling finalist ang Bonuan Boquig National High school dito sa lungsod ng Dagupan para sa World’s Best School Prize for Environmental Action na inilunsad ng T4 Education (T4), na isang global education organization.

Ayon kay Renato Santillan, Principal ng Bonuan Boquig National High school dito sa lungsod ng Dagupan, napili ang kanilang paaralan sa ilalim ng category na “Environmental Action” na kumikilala sa kahalaganan ng mga kabataan, mga estudyante at paaralan tungo sa paggawa ng mga hakbang laban sa global warming at climate crisis.

Nabatid na tatlong public schools sa buong bansa ang napili sa kani kanilang specific categories sa World’s Best School Prize. Bukod sa Bonuan Boquig National Highschool, ang G.L. David Memorial Integrated School sa Balanga City, Bataan, at Malitbog National High School sa Calinog, Iloilo ay mga finalists sa World’s Best School Prize for Environmental Action, World’s Best School Prize for Community Collaboration, at World’s Best School Prize for Supporting Healthy Lives.

--Ads--

Saad ni Santilla, umabot ng ilang buwan ang naging preparasyon nila sa paggawa ng documentation at nitong nakalipas na buwan ng Marso nila sinubmit ang kanilang entry.

Sinabi ni Santillan, na mapalad sila na napili ang kanilang paaralan mula sa mahigit 1,000 applicants sa buong mundo at ito ang kauna unahan na pagkakataon na makakuha sila ng award.

Samantala, ang top three winners sa bawat category ay iaanunsyo sa buwan ng Oktubre sa World Education Week at tumataginting na US$250,000 ang paghahatian ng mga winners ng five Prizes, kung saan ang bawat isa ay tatanggap ng US$50,000.