Mariing kinondena ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA ang gobyerno ng china dahil sa umano’y “unlawful” na pagdedeklara nila ng fishing ban sa bahagi ng west philippine sea.
Ayon kay Fernando Hicap Chairperson ng naturang grupo, wala umanong karapatan ang naturang bansa sa kanilang nais dahil malinaw na isa umano itong panghihimasok at paglabag sa arbitral ruling na siyang kumikilala na ang Pilipinas ang may sakop sa naturang teritoryo.
Ibinasura na rin aniya ang 9 dash line claim ng China sa west philippine sea kaya naman ay hindi ito ang kinikilala sa pandaigdigang batas.
Maliban pa rito, wala rin umanong batayan ang china sa fishing ban na pangalagaan ang pangingisda dahil sila umano mismo ang sumisira sa isla gaya na lamang ng ginagawa nilang pagpapatayo ng base militar, artificial island, at patuloy na reclamation.
Isa rin umano sa pinakaapektado ng naturang hakbang ay ang mga mangingisda na patuloy na nahaharass at nakikikompetensya sa pangingisda ng mga Chinese vessels.