Matagumpay at maayos ang naganap na halalan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang pahayag ni Police col. Richmond Tadina, Provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office sa ginanap na KBP forum dito sa lungsod ng Dagupan.

Sinabi ni Tadina na batay sa kanilang assessment ay pangkalahatang mapayapa at maayos ang ginanap na halalan sa probinsya dahil wala umanong naitalang mga hindi kanais nais na pangyayare sa lalawigan.

--Ads--

Ito ay bunga ng magandang preparasyon sa aspetong seguridad.

Nagkaroon aniya ng maraming augmentation sa mga voting centers at iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Binanggit din nitop ang mga isinagawang mga pre election activities o mga ginawang hakbang bago at sa mismong araw ng halalan.

Sa panig naman ng Commission on Election o COMELEC Dagupan, sa pangkalahatan naging credible at maayos ang naganap na halalan sa lungsod at lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, election supervisor ng COMELEC Dagupan, base sa assessment nila ay mabilis ang transmission ng mga election returns.

Bagamat may ilang lugar sa lalawigan ang nagkaproblema sa transmission ng mga ER dahil sa pagkakaroon ng aberya na nangyari sa mga vote counting machine o VCM.