Tiniyak ng hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan na hindi pa tapos ang kanilang pagbabantay sa seguridad ng lalawigan na may kaugnayan sa pagtatapos ng halalan 2022.
Ayon sa tagapagsalita ng Police Provincial Office ng lalawigan na si PMAJ. Katelyn Awingan na nananatiling sa heightened alert ang mga kapulisan para sa posibilidad na pagtala ng “post election violence”.
Aniya na bagaman na pull out na ang mga naunang naaugment na mga kapulisan ay sinisiguro naman nito na ang kanilang pwersa sa tulong na rin ng iba’t ibang sangay ng pamahalaaan ay makapagbibigay proteksyon sa bawat residente sa mga bayan.
Paliwanag pa nito na nakahanda rin sila sa anumang banta na may kinalaman sa nagdaaang eleksyon hanggang sa mailuklok na sa pwesto ang mga nanalong kandidato.
Hinihiling din nito na tulad ng matagumpay na pagdaraos ng botohan ay magtutuloy-tuloy ang mapayapang sitwasyon sa Pangasinan.