Inihayag ng Department of Education Region 1 na mas ipinapayo nila na ituloy muna ang nakagawian na virtual graduation sa halip na face to face graduation ng mga mag-aaral ngayon nalalapit na end of school year rites simula sa June 27 hanggang July 2, 2022.
Ayon kay DepEd Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino, sa mga paaralan na nasa alert level 1 & 2 kung nagnanais sila na magsagawa ng face to face graduation ay kinakailangan muna nilang idulog sa mga LGUs pati na rin ang paghingi ng parents consent at kung sakali na pag bibigyan ng kapahintulutan ay maari sila magsagawa ngunit dapat na siguruhin na mahigpit na susundin ang mga panuntunan ng DepEd at DOH.
Aniya, naiintindihan din nila na mayroong mga magulang na gusto talagang makita ang kanilang mga anak na umakyat sa entablado at magtapos gaya ng normal na nakasanayan ngunit iminumungkahi din nila sa mga school administrators na gawing available ang hybrid graduation program ng sa gayon ang mga mag aaral na hindi papayagan sa face to face ay maari paring makibahagi sa pamamagitan ng virtual graduation.
Dagdag ni Aquino, sa ngayon ay wala pa namang mga nagkokonsulta sakanila na mga paaralan sa region 1 na planong magsagawa ng face to face graduation at marahil ay pinag aaralan din ng mga ito ang inilabas na memorandum ng Deped Central Office.