Bumaba ng higit 86% ang naitatalang kaso ng dengue ngayong 2022 sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Dra Anna De Guzman ang siyang Provincial Health officer ng lalawigan na simula buwan ng Enero hanggang Mayo a-16 na nasa 195 lamang na kaso ng dengue ang kanilang naidatos malayo ito sa bilang ng mga naitala noong nakaraang taon sa parehong mga buwan kung saan umabot sa higit 1,493 ang naitala at isa ang nasawi dahil sa naturang sakit.
Puspusan na rin umano ang kanilang pagsasagawa ng mga adbokasiya at programa para maiwasan ang outbreak at para mapanatiling ligtas ang lahat nang walang naitatalang namamatay dahil dito.
Aniya mahigpit ngayon ang kanilang pagbabantay sa ilang lugar na mayroon ng kasaysayan ng mataas na bilang ng mga kaso ng dengue kabilang na ang siyudad ng San carlos, at mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Binmaley at Umingan.
Ipinaliwanag din ng naturang opsiyal na hindi lamang tuwing tag-ulan nagiging talamak ang kaso ng nabanggit na sakit bagkos ay tuwing tag-init at taglamig ay mayroon pa ring pag-iimbak ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok na may dalang dengue.
Kung kaya’t payo ni Dr. De Guzman sa lahat ng mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang pagpapatatag sa kalusugan.