‘Kinabukasan ng pamilya’

Ito umano ang naging inspirasyon ni Cadet 1CL Jake Anthony Mosquera na siyang Top 6 ng Philippine Military Academy BAGSIK-DIWA (Bagong Sibol sa Kinabukasan Mandirigma Hanggang Wakas) Class of 2022 para pumasok sa naturang akademya.

Pagsasaad nito na ang pagpasok nito sa PMA ay bilang tulong sa kaniyang mga magulang lalo na’t alam niyang magiging mahirap para sa kanila na masuportahan ang pag-aaral nilang magkakapatid.

--Ads--

Kaya naman hindi na umano ito nagdalawang isip para palagpasin ang oportunidad na pumasok sa PMA.

Aniya hindi rin umano nito inaasahan na mapapabilang ito sa mga kadeteng makakatanggap ng naturang parangal kung kaya’t maituturing umano itong isang malaking regalo para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

TINIG NI CADET 1CL JAKE MOSQUERA

Ikinagagalak din nito na matapos ang apat na mga taon ay mabibigyan na ito ng pagkakataon para masilbihan ang bansang Pilipinas.

Malaki rin ang pasasalamat ng dalawamput tatlong taong gulang na kadete sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang paglalakbay hanggang sa makamit nito ang naturang parangal.

Hinimok naman nito ang mga kabataan na nagnanais na pumasok sa PMA na huwag magdalawang isip bagkos ay maraming mga matututunan at magkaroon ng kumpiyansa sarili anuman ang mga tatahaking hamon sa buhay.