Patuloy na pinagdedebatehan ngayon sa mga bansang Israel at Palestine ang pagkapatay sa beteranong mamamahayag na si Shireen Abu Akleh habang ito ay nasa kalagitnaan ng pag-uulat ng pagsalakay ng mga pwersang Israeli sa West Bank noong nakaraang linggo.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Mamerto Malanum na nagkakaturuan sa kung sino ang nakapatay sa naturang mamamahayag kung kaya’t nag-ugat ito para sa isang kaguluhan.

Sinabi ng punong ministro ng Israel na ang nakabaril rito ay ang mga Palestinian gunmen na taliwas naman sa pahayag ng pangulo ng Palestine kung saan pinapanagot nito ang gobyerno ng Isarel para sa naturang insidente.

--Ads--

Aniya maigting ang pagbibigay abiso ng kanilang gobyerno sa pag-iwas sa mga matataong lugar dahil sa mga naitatalang kaso ng karahasan.

TINIG NI MAMERTO MALANUM

Nakaalerto na rin aniya ang pwersa ng kapulisan sa bansa para sa masusing imbestigasyon para malaman kung sino nga ba ang nasa likod ng nasabing insidente.

Dagdag rin nito na masyadong mababa ang posibilidad ng pagkakaayos ng mga bansa dahil na rin sa matagal na ring girian kung kaya’t marami sa kanilang mga sibilyan ang naiipit.

Hindi naman aniya nagkukulang ang embahada ng Pilipinas sa ibinibigay nilang suporta sa kanilang mga Pilipino roon para mapanitiling ligtas silang mga nagtratrabaho sa naturang bansa.