Nalambat ng pulisya ang dalawang high value target (HVT) ng ilegal na dorga matapos mahulog sa ikinasang anti-drug operation sa barangay Lucao sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Rechie Camacho ang siyang Provincial Director ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan na umabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 340,000.00 ang kanilang nakulimbat sa mga suspek na kinilalang sila Edimar Maramba at Esmael Amal na aprehong residente ng Barangay Bonuan..

Dagdag din nito na matagal na umanong minamatyagan ng grupo ang mga suspek at matapos ang ilang mga linggo ay matagumpay ang kanilang ikinasang buy-bust operation.

--Ads--

Aniya magsasagawa rin sila ng ilang karagdaga pang buy bust operations para madakip ang posibleng source ng mga suspek na nagsasagawa ng pagbebenta ng ilegal na dorga hindi lamang sa Dagupan City bagkos ay pati na rin sa mga karatig bayan ng lungsod.

TINIG NI RECHIE CAMACHO

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PDEA Pangasinan ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002