Maituturing na ‘historic’ ang labanan sa posisyon sa pagkagobernador sa lalawigan ng Pangasinan matapos na manguna sa botohan si Fifth District Congressman Ramon Monmon Guico III laban sa kaniyang katunggaling si Governor Amado Espino III kung saan ito ang kauna-unahang pagkatalo sa pulitika ni Espino.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cong. Ramon Guico III sinabi nitong ito ay nagagalak sa naging resulta ng local and national elections 2022.

Aniya na ang pagiging pokus sa pagbibigay serbisyo sa publiko ang susi para maipagpatuloy pa nito ang paglilingkod sa mga Pangasinense.

--Ads--

Matatandaang taong 2019 ay nanalo si Guico laban sa ama ni Espino na si Amado Espino Jr., sa kongreso.

Aminado naman ang naturang opsiyal na hindi naging madali na matalo ang mag-amang Espino.

Dagdag din nito na ang mga Pilipno ay matatalinong botante at hindi bulag sa mga kaganapan nangyayari sa kanilang lipunan.

TINIG NI CONG. RAMON GUICO III

Base sa resulta ng partial unofficial result ng Comission on election transparency server as of May 10,2022 12:32 pm, malayo na ang lamang ni Guico III sa kaniyang katunggali na umabot na sa halos dalawandaang libong boto.

Samantala ang katandem naman nitong si Vice Governor Mark Lambino ay nanguna din sa botohan para manatili ito sa kaniyang posisyon.