Itinuturing ng PNP na mapayapa sa pangkalahatan ang eleksyon ngayong araw na ito dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay police major Katelyn Awingan, information officer ng Pangasinan Police Provincial Office o PPO, wala pa silang natatanggap na mga naitalang mga untoward incident.
Sinabi ni Awingan na tanging naitala nilang insidente ay ang
alleged violator ng vote buying sa lungsod ng Dagupan. Nangangalap pa sila ng mga karagdagang ibidensya at sakaling mapatunayan ito ay sila ay magsasampa ng kaokolang kaso.
Samantala, inaasahan na mananatiling nakaalerto ang mga kapulisan hanggang sa buong araw na ito kahit natapos na ang botohan upang mapanatiling maayos sa pangkalahatan ang ginanap na halalan.
Matatandaan na dinagdagan ang puwersa ng PNP na ipinakalat sa buong lalawigan na magbabantay sa naganap na halalan bilang preemptive measure na rin.