Muling nagpaalala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante sa lalawigan ng Pangasinan na huwag tatangkilikin ang vote buying 1 araw bago sumapit ang eleksyon sa araw ng Lunes.

Ayon kay Pangasinan PPCRV media officer Marlo Artacho na huwag ipagbili ang kanilang boto kapalit ang anumang uri ng vote buying mapa cash man o grocery.

Hinikayat din nito ang bawat botante na iboto ang karapat-dapat na kandidato na may maganda at tapat na katangian para sa kanyang tinatakbuhang posisyon.

--Ads--

Ayon kay Artacho, mas mainam na masuri ng mga boboto ang iba’t ibang mga katangian ng mga kandidato lalo na kung sila ay makadiyos, makatao, at makakalikasan maging ang pagsuri sa kanilang mga inihahayag na plataporma.

Nagbabala ang naturang tanggapan sa mga botante at mga kandidato na sangkot sa pagbili ng boto na itigil na ang mga ganitong maling nakagawian tuwing eleksyon.

TINIG NI MARLO ARTACHO

Magiging bahagi ang PPCRV sa election sa May 9 bilang watchdog na may humigit kumulang 12,000 volunteers sa boung probinsiya.