DAGUPAN, CITY— Under restrictive custody na ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang alleged suspect na deputy police chief ng Binmaley PNP matapos nitong sumuko kasunod ng umano’y pagkakasangkot nito sa isang insidente ng pamamaril at pagdukot sa lungsod ng Cabanatuan sa Nueva Ecija.


Ayon kay PMaj. Katelyn Awingan, ang Pangasinan provincial police office information officer, gabi ng Mayo 4 ay kusang sumuko ang naturang opisyal na si PMaj. Antonio Cuaresma.


Aniya, naging posible ang naturang hakbang matapos ang koordinasyon nito sa kanyang hepe sa Binmaley PNP na si PLt. Col. Genevive Poblete matapos itong magbigay ng notice to report on duty kasunod ng ilang araw nitong pagkawala sa duty.

--Ads--


Positibo naman itong tinanggap ni Cuaresma at nagtungo na sa tanggapan ng PPO para mabigyang linaw ang nangyari insidente.


Nasa maayos naman na kondisyon ang naturang pulis at nare-live na rin muna ito sa serbisyo habang gumugulong na rin ang imbestigasyon sa kinakaharap nitong administrative case.


Naiulat na rin umano ang pagsuko ni Cuaresma sa PNP headquarters at kasalukuyan na rin silang nakikipag-uganayan sa PNP-Region 3 para sa development ng naturang kaso.