Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang problema sa suplay ng gasolina sa bansa.

Ayon kay DOE Undersecretary Atty. Gerardo Erguiza, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sapat at hindi pa rin nabibitin ang dami ng krudo sa bansa na nanggagaling pa sa abroad.

Aniya, mayroon silang rule na tinatawag na minimum inventory requirement sa mga gasoline stations sa bansa kung saan ay mag-imbak ang mga ito ng at suplay ng krudo at gasolina na aabot ng least 30 araw.

--Ads--

Sa kanilang inventory, at ng kanilang tanggapan, nasa 40 na araw pa ang suplay na nangangahulugan lamag na walang problem sa supply nito kundi sa presyo lamang.

Muli ring ipinunto ni Erguiza na hindi areregulate DOE o anumang ahensiya ang presyo ng gas dahil sa oil deregulation law.

Ipinahayag din niya na noong 1998, noong mayroon pang energy regulatory board, dinidinig pa rati ang presyo ng gas bago ito ipatupad ngunit nang magkaroon ng flactuation ng market price dahil madalas ang pagbaba at pag-taas, nang maglaon ay sinundan na lang ang world market price at inadjust na rin ang presyo sa Pilipinas base sa presyuhan ng ibang bansa.