DAGUPAN, CITY— Sabay-sabay na tinamaan ng food poisoning ang 75 na katao matapos umanong kumain ng galunggong at tahong sa Barangay Inirangan, sa bayan ng Bayambang.
Ayon sa Municipal Health Office ng naturang bayan, nabili umano ang galunggong at tahong mula sa isang ambulant vendor sa barangay.
Iniimbestigahan ng MHO ang insidente kung kontaminado ng red tide toxic ang mga nakaing produkto.
Isasailalim sa toxin testing ang mga nakuhang sample.
--Ads--
Matatandaang April 26 nang dalhin sa ospital ang mga biktima matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkakaroon ng rushes.
Agad din umanong pinauwi ang mga pasyente.