Inaasahang patuloy na mararamdaman ang maalinsangan at mainit na temperatura sa lungsod ng Dagupan sa lalawigan bunsod ng umiiral na panahon ng tagtuyot sa bansa.

Ayon kay Jun Soriano mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Dagupan na ngayong linggo lamang ay nasa ilalim ng extreme danger category ang naitatalang heat index sa lungsod.

Ngayong araw, Abril 29, ay naidatos ang 49 degrees celsius na heat index kung kaya’t paalala nito sa mga residente na palagiang magdala ng panangga sa katawan nang maiwasang makakuha ng mga sakit na dulot ng tag-init.

--Ads--
TINIG NI JUN SORIANO

Kung maaari din aniya ay iwasan ang pagtratrabaho sa ilalim ng sikat na araw at paglabas ng kanilang mga tirahan tuwing sumasapit ang alas diyes ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon.

Dagdag rin nito na dahil sa mga localized thunderstorms ay malaki ang tsansa ng pag-ulan pagsapit ng hapon o gabi kung kaya’t
kaugnay nito, pinaalalahanan ng naturang opisyal ang mga Dagupeno o mga makikilahok sa highlight ng Bangus Festival na Kalutan Ed Dalan na gaganapin ngayong hapon na magdala ng payong para makaiwas sa ulan maging sa mataas na sikat ng araw.

Matatandaang panibagong record high heat index ngayong taong 2022 ang naitala sa lungsod ng Dagupan na umabot ng 54.39°C na nasa Extreme Danger Category noong Abril 22.