Mas pinaigting pa ang quarantine checkpoints sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng temporary ban sa pagpasok ng mga manok at poultry products mula Region 2.
Ayon kay Dr. Jovito Tabarejos, acting provincial veterinarian, naglatag na ng quaratine checkpoints sa lahat ng posibleng pagpasok ng mga manok sa probinsiya sa lahat ng exit point ng TPLEX at iba kakalsadahan upang hindi makapasok ang mga apektadong manok at poultry products.
Lahat ng biyaheng may karga ng manok ay mahigpit na tinitignan . Kapag galing naman sa ibang rehiyon ay hahanapan ang mga byahero ng mga requirement gaya ng bird flu free certification at mga laboratory test.
Matatandaan na batay sa sa inilabas na Executive Order No. 0030-2022 ng Provincial Government ng Pangasinan na pirmado ni Governor Amado Pogi Espino III, pansamantalang ipinagbabawal sa ngayon ang pagpasok ng manok mula sa Rehiyon Dos sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay kasunod ng napa ulat na kaso ng Avian Influenza sa lalawigan ng Isabela sa rehiyon dos.