Nasawi ang dalawang menor de edad matapos malunod habang naliligo sa Lingayen Beach sa Lingayen, Pangasinan.

Sa impormasyon mula sa mga otoridad, nagkayayaan ang dalawang magpinsan na edad 12 at 14 anyos kasama din ang kanilang kaibagan na pawang menor de edad din sa pagnanais na masubukan ang mag swimming sa dagat na sakop ng Barangay Libsong West sa bayan ng Lingayen.

Ngunit habang naliligo, napunta umano ang magpinsan sa malalim na parte ng dagat na sinabayan pa ng malalakas na hampas ng alon.

--Ads--

At dahil nga sa hindi rin marunong lumangoy ang mga biktima kaya naman nahirapan at hindi na nila nagawa pa na makaahon at makabalik sa ligtas na bahagi ng dagat.

Agad namang humingi ng tulong ang kasama ng mag pinsan at sinubukan pan itakbo sa pagamutan ngunit idineklara ding DOA.

Dahil naman sa naturang insidente ay muling nagpaalala ang mga kinauukulan na mag doble ingat sa pagligo sa mga dagat upang maiwasan ang pagkalunod.