Pormal nang nagsimula ang pagdiriwang ng mga Dagupeño sa Bangus Festival matapos ang dalawang taon na pagkakaantala ito dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Idinaos kahapon, Abril 18 ang isang ceremonial lighting ng Festival Lights sa harap ng City Museum bilang hudyat ng pagsisimula ng naturang pista.

Bukod pa rito, isinagawa rin ang maikling programa para sa bagong Kalutan Ed Dalan Marker na ilalagay sa AB Fernandez, bilang tanda sa nakamit na pagkilala ng lungsod na World’s Longest Barbeque mula sa Guinness World Records noong 2003.

--Ads--

Matatandaang noong nakalipas na mga taon ng selebrasyon ng Bangus Festival, ngayon taon ito ay gaganapin na sa naturang lokasyon.

Nanguna sa opening ceremony ng naturang pyesta ang Dagupan City LGU sa pangunguna si Dagupan City Marc Brian Lim kasama sina Dagupan City Police Station Chief of Police PLt. Col. Abubakar Mangelen Jr., City Local Government Operations Officer Marilyn Laguipo, NIA Deputy Administrator Ralph Du, Bangus Festival Secretariat Head Maximo ‘Beep’ Tan.

Dinaluhan din ito ng ilang mga business owners, at ng mga mamamayan ang ginawang aktibidad.

Maliban pa rito, narito naman ang iba’t ibang aktibidad na gagawin para sa Bangus Festival sa mga susunod na araw:
April 19 – Pisasalamat ed Ilog
April 22 – Mural Painting
April 24 – MDCC Cycling Event
April 26 – Youth Festival
April 27 – Mass Wedding
April 28 – Bangus Rodeo
April 30 – Kalutan ed Dalan.