Dinagsa ang ilang mga pook pasyalan sa lalawigan ng Pangasinan ng libu-libong turista kasunod ng paggunita ng Semana Santa.
Aabot sa higit 10,000 katao ang naitalang tumungo sa Alaminos na kilala dahil sa pamuso nitong Hundred Islands.
Ayon kay Miguel Sison na umabot sa Miguel “Mike” Sison na siyang Alaminos City Tourism Officer na kahapon ay kanilang naidatos ang pinakamataas na bilang ng mga turistang dumayo sa siyudad na umabot sa 9,452 na mga indibidwal.
Aniya nakatulong na malaki ang pagdagsa ng libu-libong mga katao para makatulong sa muling pagbuhay ng turismo kung lalo na’t halos dalawang taong nagsara ang mga establisyemento dahil sa pandemya.
Hindi rin umano nahirapan ang kanilang hanay para iaaccommodate ang pagdating ng ilang mga bakasyunista dahil una rito ay nakapagsagawa ng mga pagpupulong at nagbaba na rin ng ordinansa ang kanilang gobyerno para matiyak na magiging ligtas ang lahat ng taong mananatili sa kanilang siyudad.
Dagdag rin nito na nakahanda ang kanilang hanay sa anumang sitwasyon kung kaya’t wala dapat umanong ikabahala ang mga taong magnanais na mabisita ang kanilang isla.
Sa ngayon aniya ay nagbabalik normal na ang mga kakalsadahan gayundin sa mga pasyalan kung saan pawang mga residente na sa kanilang siyudad ang bumbibista sa naturang lugar.
Hiling naman nito ang tuluyang pagbabalik sigla ng ekonomiya para tuluyan ng makabangon ang lahat ng mga manggagawang Pilipinong naapektuhan ng Covid-19 kaya’t inanyayahan nito ang publiko na magtungo sa kanilang siyudad upang matunghayan ang ganda ng kanilang lugar.
Samantala bukas naman ay inaasahang magsasagawa ng MOA signing kasama ang munisipalidad ng Anda kaugnay sa magiging koordinasyon sa pagdadala ng mga turista mula sa bayan ng Anda patungo sa siyudad ng Alaminos.