Nasa humigit kumulang limang katao ang muntik na nalunod sa kasagsagan ng Huwebes Santo sa bahagi ng Tondaligan Beach dito sa lungsod ng Dagupan matapos ang pagdagsa ng mga tao ngayong semana santa.

Batay sa ulat, pasado alas 3 hanggang alas-4 ng hapon nangyari ang insidente kung saan ito ay tinugunan ng City Health Office (CHO) upang malapatan ng medical na atensyon ang mga biktima.

Kaya naman bilang pagtugon sa pagbabantay at pagsiguro sa seguridad at kaligtasan ng mga beach goers, nagpadala ang city government ng mga tauhan ng POSO, PNP Dagupan, PNP Maritime, Philippine Coast Guard, at CDRRMC upang tumugon rito.

--Ads--

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Tondaligan beach na mag-ingat lalo na sa paglangoy upang maiwasan naman ang anumang drowning incident sa naturang lugar.