Inaasahan na umano ang mas maraming bilang ng mga pasaherong bibyahe para sa pag-obserba ng Semana Santa sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Efren Dela Cruz na isang dispatcher sa isang bus terminal na patuloy ay ang pagpaalala sa kanila ng mga awtoridad sa mga panuntunan para matiyak ang seguridad ng mga commuters.

Aniya na sa susunod na linggo ay tiyak na dodoble ng bilang ng mga pasahero kung kaya’t sinisiguro ng kanilang pamunuan na sila ay nakafull alert para maiwasang makapagtala ng anumang kalse ng krimen.

--Ads--

Aminado naman ito na maituturing pa ring mababa ang bilang ng mga sasakyang operational sa ngayon kahit pa nasa pinakamaluwag na restriksyon ang bansa, sa pagtataya ay nasa dalawampung mga bus pa lamang ang nabigyan ng pahintulot para makabiyahe.

Hiling naman nito ang pakikiisa ng publiko para sa isang matiwasay na pagobserba ng Semana Santa.

TINIG NI EFREN DELA CRUZ