Nauwi sa trahedya ang bonding ng magkakamag-anak matapos mahulog sa ginagawang tulay ang sinasakyan nilang pick-up sa kahabaan ng provincial highway Barangay Poblacion, Binalonan, Pangasinan.
Ayon kay Pmaj. Aurelio Manantan, OIC, Binalonan Police Station, galing sa isang resort sa San Fabian ang mga biktima para sa kanilang reunion at pauwi na sana sa bayan ng San Quintin nang mangyari ang disgrasiya.
Sinabi ni Manantan na 9 na pasahero ang sakay ng pick up at pang 10 ang driver
Patay ang 51-anyos na si Rodrigo Merin na sumakay sa likod ng pick-up habang sugatan ang ilang pasahero kabilang ang mga bata.
Ayon pa kay Manantan, self accident ang nangyari dahil wala naman siya nakabanggaan.
Nakainom ang driver kaya hindi nakontrol ang manibela hanggang sa mahulog ang kanilang sasakyan humigit kumulang 30 feet ang taas.
Hindi naman kinokonsiderang accident prone area ang lugar at may mga signages naman na nakalagay doon kahit na inaayos. Pinaniniwalaang inantok din ang driver dahil gabi nang mangyari ang aksidente at malayo pa ang kanilang uuwian.