Nilinaw ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya at Agrikultura o SINAG na wala na wala pang nakakapasok na kaso ng avian flu o bird flu dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni So na nakapasok na ang kaso sa limang rehiyon na binubuo ng 9 na probinsya, 27 na munisipyo at 36 na barangay.

Sinabi ni So na tila hind agad naisolate ang mga tinamaan ng kaso kaya lumipat sa ibang lugar.

--Ads--

Giit niya na dapat na binabantayan ang mga dumadating na shipment at i-check kung may sakit para hindi makapasok sa bansa. Mas nakakakot aniya na makapasok ito sa bansa at macontaminate ang mga alagang manok.

Una rito, nagdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng outbreak ng Avian Influenza (AI) o H5N1 sa Pilipinas. Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng kaso ng avian flu o bird flu na karamihan ay naitala sa Central Luzon.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, apektado nito ang mga bibe, pugo, manok at iba pang poultry na aniya’y bunsod ng migratory birds na bumibisita sa bansa.

Kamakailan nang sabihin ng DA chief na nagpalabas na ang ahensya ng memorandum circular para paigtingin ang pagsawata at pagkontrol sa sakit.