“Muling Pagtuklas ng Karunungang Bayan.”
Ito ang tema ngayong taon sa paggunita ng buwan ng panitikan ngayong Abril.
Ayon kay Angelica Ellazar, ang siyang Senior Language Researcher ng
Komisyon sa Wikang Filipino na ang pinaka dahilan ng pagdiriwang ay upang gunitain ang mga alaala ng ating lahi bilang isang Pilipino.
Aniya ang muling pagbubukas sa pantikan ay sa pamamagitan ng pagmulat sa ‘karunungang bayan’ sa pamamagitan ng mga epikong kuwento, pabula, kuwentong bayan, bugtong, at iba pa.
At lahat ng ito ay gagawing monogram para sa mga mag-aaral sa elementarya na may Filipino-centric at Asian-centric na pokus upang mas mapaunlad ang ating pagkakakilanlan bilang isang lahi.
Inaaasahan naman aniya ang ilan sa mga aktibidad bilang tugon sa naturang pagdiriwang kabilang na ang pagsasagawa ng mga webinars tuwing Lunes ng Abril at ito ay tatalima sa paksa sa tema ng buwan ng panitikan.
Ang taunang pagdiriwang ay ipinag-uutos sa bisa ng Proclamation No. 968 na nilagdaan noong taong 2015.