Muli na namang naramdaman ang mas mainit na panahon sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Jun Soriano mula sa PAGASA Dagupan na pumalo ng 50°C (Danger Category) ang naitalang heat index sa PAGASA Dagupan City ngayong araw, Marso 30 ng alas dos ng hapon.
Habang nasa 35.4°C naman ang naitalang maximum temperature at 67% Humidity.
Aniya magututuloy-tuloy ang nararanasang maalinsangang panahon sa lalawigan ng Pangasinan.
Kung saan ay inaasahang mas mainit pa ang mararanasang temperatura sa pagsapit ng mga buwan ng Abril at Mayo sa lalawigan ng Pangasinan.
Kaya muling ipinaalala ni ng naturang opisyal ang ang publiko na mataas ang tsansang magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion.
At posible itong mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang magiging pisikal na aktibidad ng indibidwal.
Panawagan din nito sa mga residente na huwag kalilimutang magdala ng payong ang anumang panangga laban sa sikat ng araw upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng tag-init.