Patuloy na hinihiling ng Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan ang pagsuspindi pansamantala sa ipinapataw na excise tax para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Bernard Tuliao, presidente ng AUTOPRO Pangasinan, kung hindi rin lang suspindihin ang excise tax ay ibigay sana ang hirit na P5 na dagdag na pasahe.

Una nang sinabi nito na puwedeng maka discount ng P7- P8 kapag sinuspindi ang excise tax pero ang problema ay umaayaw ang gobyerno sa pagsuspindi ng excise tax.

--Ads--

Isa pa umano sa problema ay patuloy na iginigiit ng mga economic managers ng Duterte administration na hindi maaaring ipatupad ang suspension dahil mawawalan umano ng pondo ang pamahalaan.

Samantala, marami pang driber ang hindi pa aniya nakakatanggap ng ayuda.

Bagamat may fuel subsidy card pero iilan lamang ang nakakatanggap at yung iba ay wala pang laman.