DAGUPAN, CITY— Nasa transitioning stage pa lamang ang mataas na init factor na nararanasan ng lalawigan ng Pangasinan ngayong panahon ng tag-init.
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr. ng PAG-ASA DAGUPAN, ang buwan ng marso ay maituturing pa lamang na buwan kung saan ay tila bumwebwelo pa lamang ang mainit na temperatura at aasahan pa na sa buwan ng Abril at Mayo ang mas matataas na maitatalang heat index lalo pa at ang mga buwan na ito madalas naitatala ang mas mainit na temperatura.
Kaya muling ipinaalala ni Estrada na mag-ingat ang publiko sa mga panahon na ito.
Samantala, kahapon ay umabot sa 49.77 °C o itinuturing na Danger Category ang naitalang heat index sa Pangasinan bandang alas-2 ng hapon.
Nasa 35°C naman ang naitalang maximum temperature at 69% Humidity.
Paliwanag ni Estrada ito ay dulot ng air temperature mula sa dagat, sinag ng araw at ang efraction ng hangin.