Positibo ang reaksyon ng gobyerno ng Taiwan sa nangyaring paguusap ng Amerika at China.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Jason Baculinao na simula pa noong nakaraang taon ay nagpahiwatig na ang Amerika sa pagnanais nitong suportahan ang Taiwan sa pagtamasa nitong ng demokrasya.

Matatandaang ang Beijing ay matagal ng iginigiit ang pag-angkin sa Taiwan na maaaring humantong sa paggamit ng puwersa kung saan sa nakalipas na dalawang taon ay pinalakas nito ang aktibidad militar nito malapit sa isla upang igiit ang mga pag-angkin nito sa soberanya.

--Ads--

Aniya nasa labindalawang kaso ng pagpaparamdam ng hukbong milotar ng China ang kanilang naitala kung saan kamakailan lamang ay isang Chinese aircraft carrier ang namataan ding naglayag sa Taiwan Strait noong Biyernes, ilang oras bago nag-usap sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.

Ang naturang paguusap ay ukol sa paghingi ng Washington ng tulong sa Beijing sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Ukraine pagkatapos ng pagsalakay ng Russia noong Pebrero 24.

Dagdag nito na kahit walang pormal na diplomatikong relasyon sa pagitan ng kanilang bansa at ng Amerika ay tiwala itong susuportahan sila ng administrasyong Biden anuman ang maging hakbang ng China

TINIG NI JASON BACULINAO

Pagsasaad din nito na ang Taiwan ay isang malaking supplier sa aspeto ng teknolohiya sa Amerika kung kaya’t mahihirapan ito kung sakaling putulin ng US ang suporta nito sa bansa.

Sa ngayon ay malabo naman aniyang ituloy ng pwersa ng China ang paglusob nito sa Taiwan.