Patuloy na pinagaaralan ng hanay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga naihaing petisyon ng ilang mga draybers at operators para sa pagpapataas ng pasahe sa mga pampublikong mga sasakyan.
Pagsasaad ni Nasrudin Talipasan ang siyang Regional director ng LTFRB Region 1 na sa naging paguusap nila ng Chairman ng kanilang hanay ay dumadaan na umano sa mabusising paguusap ang panawagang pagtaas ng pamasahe.
Tinututukan naman aniya ng kanilang ahensya sa ngayon ang pagbibigay ayuda sa mga draybers at operators na kanilang nakikita bilang pangunahing lunas sa naging sunod-sunod ang pagtaas ng krudo.
Dagdag rin nito na ang pagrebisa sa oil deregulation law ng kamara ay ilan lamang sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para matulungan ang transport sector