Hinihikayat ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 1 ang mga drivers at operators na kanilang kunin ang fuel subisidy cards upang magamit sa pagkuha ng kani-kanilang ayuda.

Ayon kay Nasrudin Talipasan ang siyang Regional director ng LTFRB Region 1 na
hindi pa lahat ay nakakuha kai-kanilang fuel subsidy card kayat tinatawagan ng pansin ang mga benepisyaryo na kunin na ito sa Land Bank of The Philippines na kanilang magagamit sa pagbili ng produktong petrolyo.

Aniya na dahil sa sunod sunod na taas presyo ng gasolina ay nararapat lamang na mahatiran ng ayuda ang mga draybers at operators.

--Ads--

Tinututukan din umano ng kanilang ahensya ang lahat ng mga drivers na dumudulog upang masolusyonan ang problema nila sa pagkuha ng naturang cards.

Dagdag nito na Isa lamang ito sa ilan pang mga programa ng gobyerno na makatutulong sa mga residenteng apektado ng taas presyo ng produktong petrolyo.

TINIG NI NASRUDIN TALIPASAN

Kabilang pa sa suporta na ibinbigay ng pamahalaan ay ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na magbibigay tulong sa lahat ng jeepney drivers na magsasagawa ng jeepney modernization.