DAGUPAN, CITY— Natapos na ang isinagawang search and retrieval operation ng Zambales Maritime Police Station sa bumagsak na eroplano sa barangay Sto. Rosario sa Iba, Zambales.

Ayon kay PLt. Col. Rommel Sobrido, station chief ng Zambales Maritime Police Station nasa mabuti na rng kondisyon ang mga nasagip na mga 6 na tauhan ng PNP Maritime, Philippine Coast Guard na isinugod sa President Ramon Magsasaysay Provincial Hospital.


Nailigtas ng kanilang hanay ang mga lulan ng naturang sasakyan kasama ang ilang mga mangingisda na unang nakadiskubre ng insidente pasado alas-6:40 ng umaga.

--Ads--


Ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid ay ang Aero Commander 685-RP-C5230 na pagmamay-ari ng Sentinel Logistics Enterprise Air Management sa Pasay Manila.


Naligtas naman sa naturang operasyon ang mga pasahero ng bumagsak na eroplano na sila Capt. Mel Bidayan, Capt. Robin Austria, Capt. Aldrich Sagario, Capt. James Reamon, Capt. John Mitchel Agdamag at Capt. Vian Luiz.


Pinaniniwalaang nanggaling sa northeast portion ng Zambales galing ang naturang eroplano at palanding na umano sa airport ng Iba.


Iniihayag din ni Sobrido na tanging ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang makakapagbigay ng karagdagang detalye at update ukol sa insidente.