Patuloy na inoobserbahan ng mga otoridad sa Indonesia ang lava flow na ibinubuga ng Mount Merapi sa Jakarta na bahagi ng Java Island.
Ayon kay Bombo International Correspondent Norwin Mark Castro, mula sa bansang Indonesia sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa ngayon ay wala pang massive eruption ang naturang bulkan at nailikas na rin mga residente malapit doon.
Aniya, sanay naman na ang kanilang bansa sa pagtugon sa ganitong sakuna dahil marami ang mga bulkan ang aktibo sa kanilang lugar lalo na ito ay sentrong bansa na kabilang sa pacific ring of fire.
--Ads--
Sa kasalukuyan ay wala pa namang anumang mga indibidwal o casualties ang naitala dahil sa naturang aktibidad ng nabanggit na bulkan.