Muling kinalampag ng grupo ng mga guro, sa pangunguna ni Alliance of Concerned Teacher o ACT Rep. France Castro ang kamara para sa pagbibigay ng umento sa sahod ng kanilang hanay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, iginiit ni Castro na napapanahon na ang pagtataas sa sahod ng mga manggawa at iba pang kawani ng gobyerno lalo pa at mabilis tumaas ang presyo ng mga bilihin.
Giit ni Castro na kahit maghigpit pa ng sinturon ay kulang talaga ang sahod ng mga guro.
Ayon kay Castro, bagamat may mga nag wo-work from home pero malaki ang impact nito sa mga guro pagdating sa mga bilihin. Kahit wala aniyang pasok ay malaki ang mga bayarin gaya sa kuryente dahil kahit walang face to face ay tuloy tuloy naman ang pagtratrabaho ng guro sa kanilang on line classes.
Nais ng grupo na tumuntong sa P33,000 ang buwanang sahod ng mga guro para makaagapay sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.