DAGUPAN, CITY— Naitala sa lungsod ng Dagupan ang pinakamataas na heat index sa Pilipinas ngayong taon, na pumalo sa 51 degree celsius.
Ayon sa PAGASA, naganap ito noong alas-2 ng hapon noong Marso 6.
Ang iba pang lugar sa Pilipinas na nakapagtala ng mataas na heat index sa bansa ay ang mga sumusunod; Catbalogan sa Western Samar, na nakapagtala ng 46 degree celsius noong March 1, Muñoz sa Nueva Ecija na nakapagtala ng 45 degree celsius noong March 8, Zamboanga City na nakapagtala ng 43 degree celsius noong March 11, at Cotabato City na nakapagtala ng 43 degree celsius noong March 11 din.
--Ads--
Nasa mapanganib na kategorya ng PAGASA ang heat index na maglalaro sa 42 hanggang 51 degree celsius.